wikipedia - 13 Apr 2023
Si Janella Maxine Desiderio Salvador (ipinanganak Marso 30, 1998), mas kilala bilang Janella Salvador, ay isang mang-aawit, artista at modelo mula sa Pilipinas. Kilala si Janella sa pagganap bilang Nikki Grace Lim sa Be Careful With My Heart na palabas pantelebisyon ng ABS-CBN. Anak siya nina Juan Miguel Salvador at Jenine Desiderio na parehong mang-aawit.